Wednesday, November 20, 2013

The issues of pamaypay

Oh come on, what’s with my pamaypay today? It had been a target of two people this morning.

Earlier, I was just fanning myself behind the driver inside the cab, then he suddenly exclaimed, hindi ka ba naaabot nang aircon? I said, naaabot ho, pero may sakit po ako (kasi nga naman the woman’s body is hotter when she is menstruating). Actually, hindi ko dapat sinabing may sakit ako, sinabi ko na lang sana na meron po kasi ako, kaya mas naiinitan ako. Nahihiya kasi akong sabihin sa kanya na meron ako, personal na isyu ko na yun eh.

Sabi ulit nung driver, “Imposible namang di ka maabot nung lamig ng hangin eh malakas naman itong pagset ko sa aircon. Dapat di ka na magpapaypay.”

Tapos ang ginawa ko, sabi ko, "ganoon ho ba?" Tapos tiniklop ko na yung pamaypay. Sa totoo lang di naman talaga malakas yung aircon niya, saka nasa likod ako kaya di ako masyadong naaabot nung malamig na hangin. Medyo na-feel ko na madaling mag-init yung ulo ni kuya, kaya di na lang ulit ako nagpaypay at tumingin na lang ako sa labas ng bintana.

Ang ginawa niya, nagsalita siya ng mataas, sabi niya, nakakahiya kasi na makita nang tao na nagpapaypay ka sa loob nang taxi. Sabay patay ng aircon at bukas ng bintana.

Whatda?! ~&#!+ So, eventually nakarating din kami sa office ko nang di ko na ibinukas muli ang pamaypay.

Ano bang masama kung gusto kong magpaypay habang may aircon? Gusto kong matuyo yung buhok ko, gusto ko ring mas bumilis yung pagdating nung malamig na hangin sa akin at yung pamaypay tool para mas maabot nung malamig na hangin yung iba pang parte ng katawan ko. Saka meron nga ako, mas naiitan talaga ako ngayon.

Ano ba?!! May issue na pala ang pagpapaypay ngayon. Haiii 

Tapos pagdating ko sa office, lock pa ang pinto. Wala pang tao.

So mainit na naman. After 30 minutes, dumating na ang may dala ng susi.

Tapos kabubukas pa lang ng aircon. So, instinctively magpapaypay muna ako para naman maging presko pakiramdam ko.

Pero lumapit sa akin yung isang admin assistant, nagporma siyang may sinesenyas na medyo seryoso, na para bang may nakalimutan akong i-unplug from yesterday dito sa office kaya may kaunting problema. Pero pagkalapit niya sa cubicle ko, sabi niya: “Gusto mo kunin na lang yung electric fan at ilagay dito sa cubicle mo?” Mapapalampas ko sana ang sa umpisa ay inosenteng pagtatanong, pero kasi yung behavior niya nung lumalapit siya sa akin, para bang sinasabi na lagot ka, may kasalanan kang ginawa, iyon pala ay dahil sinasaway din niya ako sa pagpapaypay. Pagkasabi nito, ibinaba ko ang pamaypay at tinanong ang sarili, may issue ba talaga ang pagpapaypay ngayong umaga?

Hai anuba yun!

1 comment:

  1. Nye. Ngayon lang ako nakarinig ng ganito, na big deal ang pamaypay haha. Wag mo na silang intindihin! :D

    ReplyDelete

Please leave your reaction here --->