'I'm here', she said.
'That's when I miss you most. When you're here. When you aren't here, when you're just a ghost of the past or a dream from another life, it's easier then."
— Neil Gaiman (American Gods)
Mmm, wala lang, baka may nami-miss lang ako na tao, pero malayo siya eh. Sad. Nakakamiss nga naman talaga kapag wala yung taong gusto mo kasama after bad work days. Lalo kapag dyahe ka pa sa workmates kasi bago ka pa lang sa work. Malungkot nga. Kaya ngayon puro tsaa lang ako na nag-iisa pa. Ang pait talaga ng tsaa at pag-iisa, paano pa kaya kung lumamig pa yung tsaa. Mapait na malamig pa, haha! May nabasa akong tulang tulad nun eh, yung title Para kay E. S. sinulat ni Priscilla Supnet Macansantos eto yung ilang bahagi ng tula:
Paano titimplahin/ Ang kape ng pag-ibig
Kapag labis ang tapang/ ay walang kasimpait
At kung matabang, ay di nakagigising
Kung sumobra ang tamis/ Madaling pagsawaan ang pag-ibig
At kung lubhang mainit/ Ay nakakapaso sa dila at sikmura
Kung malamig naman/ Ay mahal ko/ Kape ba ito?
Subalit hindi/ kape ang pag-ibig
Na itatapon sa lababo/ Kapag nagkulang sa init, hindi
Tinuturuan ang pag-ibig/ Ng tamang init at lamig,
Pinapayapa kapag lubhang nag-iinit
Pinapasigla kapag nanlalamig
Hay, memories.
No comments:
Post a Comment
Please leave your reaction here --->