Wednesday, April 9, 2014

Para kay Ekay

Ang post na ito ay para sa 'yo Ekay ^^

At ang link na ito ay para rin sa iyo Ekay ^^

Sana magustuhan mo.

ParakayE

Friday, April 4, 2014

Mga repleksyon habang hinahabi ang panibagong kabanata

Anim na araw na ang nakakaraan nung magbigay ako ng Graduation Speech sa mga elementary graduates ng aking Elem Alma Mater. Nung una kinabahan ako kasi maliban sa maraming bata ang makikinig, iba ang pakiramdam na ang mga dati kong guro na dun ko lang ulit nakita ay makikinig din sa aking speech, yaiks. Mas lalong tumindi ang kaba ko nung pagdating ko sa school ay isa-isa silang lumapit sa akin at nagpa-selfie pa. Maraming nagsabi na parang walang nagbago, ganun pa rin ang hitsura ko (big grin). Meron ding nangumusta, nagtanong at ngumiti. Iba pala talaga kapag bumalik sa mga taong nakilala natin during childhood - dati ang tatangkad nila, dati sila ang may di nababaling otoridad, dati sila ang mga nakakatakot magalit kasi maraming mga misadventures at curiosities nung childhood days na mabilis nilang sinusuway o nabibisto.

Sila rin ang unang mga mentors ko.

Alam kong napakalakas ng kaba ko nung nag-speech ako. Madaming bulol moments, patigil-tigil at minsan ako lang ang natatawa sa jokes ko pero mukhang naappreciate naman nila.

Isa sa mga napansin ko, kailangan pala ng seamless na pag-co-combine ng sensibilidad ng mga bata (na gagraduate) at sensibilidad ng mga adults (teachers, parents, guests). Kasi di naman pwedeng magsalita ako sa harap nila ng hindi naiiintindihan ng mga bata - dapat pinapagana ko pa rin ang mga imaginations nila habang binibitawan ang mga salita ng aking naratibo/speech.

So ayun, mukha naman naitawid ko ng maluwalhati ang obligasyong ibinigay nila sa akin.

Masaya at nagpapasalamat ako sa oportunidad na makasama ko ulit ang aking mga dating guro pati na rin ang mga bagong graduates ng aking paaralan.