Ngayon, parang ang gaan na lang. Akala ko dati'y mas madali ang magaan, mali pala. Mas mawawalan pala ng direksyon kapag sobrang gaan lang.
Lalangoy na lang muna ako. Hihintayin ang araw na sa wakas malalaman kong buo na ulit ako. Na naghilom na ang sarili mula sa mga sugat at bugbog ng emosyon at alaala. Matiyaga ko iyong hihintayin, mula sa pagliwanag nang langit hanggang sa pagtataboy ng dilim dito at sa di mapipigilang pagliwanag nito muli. Sa ngayon, lalangoy na lang muna. Lalangoy nang lalangoy. Nang lalangoy.
No comments:
Post a Comment
Please leave your reaction here --->